Kaluluwang tigib sala, kay Jesus umasa; Upang magkamit ginhawa'y talimahin Siya.
REFRAIN
Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't Ililigtas ka ngayon na ililigtas ka.
Magsisi lamang mataos at magblik loob, Ay malilinis kang lubos sa dugo ni Jesus.
Lubos kang pagpapalain yung iyong sambahin Si Jesus na masintahing kusang gumigiliw.
Halina at makipisan sa nangaglalakbay Na patungo sa tahanang walang kawakasan.